Crossing the Blues

Thursday, August 5, 2010

DAMATH - Opisyal na Larong Likha ng Pinoy!

Sino sa inyo ang nakapaglaro na ng DAMATH?


Alam niyo ba na isang Pilipino ang nakaimbento ng larong ito? Siya ay si Jesus L. Huenda mula sa Sorsogon. Ang unang pangalan ng laro ay Dama de Numero. Ang laro ay pinaghalong konsepto ng Dama at konsepto sa Mathematics tulad ng addition, subtraction, multiplication, at division. Ang unang Damath Competition ay naganap noong 1980 sa Sorsogon. At noong taon din na iyon ay ginawaran ng gintong medalya si Huenda ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Iba't iba ang kategorya ng larong Damath, depende sa Taon na kinabibilangan ng naglalaro:

UNANG TAON - Integers
PANGALAWANG TAON - Rational Numbers
PANGATLONG TAON - Radicals
IKAAPAT NA TAON - Coordinates
MGA GURO - Binary

*Alam ko na maraming talentado sa isakay. Ang thread na ito ay binuksan ko upang magbahagi ng ilang impormasyon. At upang makatawag ng pansin sa ilang mahuhusay na forumer lalo na sa larangan ng "programming" na gumawa ng "program" tungkol sa larong DAMATH.

Source: Board.Ikariam